Proseso sa pag-inspeksyon sa MICP, mas bibilis na

Asahan na mas bibilis pa ang proseso ng Bureau of Customs o BOC sa pag-inspeksyon sa mga kargamento na dumadaan sa mga port sa bansa.

Kasunod ito ng dalawang bagong portal type x-ray machines na inilagay sa Manila International Container Port (MICP).

Dahil dito, inaasahang mapapataas nito ang maximum inspection capacity ng MICP ng hanggang 7,680 containers kada araw.


Nabatud na ang bawat isang x-ray machine ay kayang mag-scan ng 160 container kada oras.

Kumpara sa mga mobile-type x-ray na dating ginagamit sa MICP na kaya lang mag-scan ng 25 container kada oras o 600 container lamang kada araw.

Sa portal type x-ray ay mismong truck ang dumadaan sa scan machine kumpara sa mobile x-ray na ang machine ang umiikot sa container.

Ang nasabing hakbang na ito ay bahagi pa din ng anti-smuggling efforts ng customs.

Facebook Comments