Proseso sa registration ng online page ng mga kandidato sa eleksyon, dapat linawin ng Comelec

Manila, Philippines – Walang nakikitang mali si Senator Nancy Binay sa direktiba ng Commission on Elections o Comelec na iparehistro ng mga kandidato sa nalalapit na eleksyon ang kanilang online pages at blogs.

Sa katunayan, tiniyak ni Senator Binay na siya ay susunod sa hiling ng Comelec.

Pero ayon kay Binay, makabubuti kung lilinawin ng Comelec ang proseso, layunin at partikular na imo-monitor nito sa nabanggit na hakbang.


Nais ding malaman ni Binay kung may kapabilidad ang Comelec para i-monitor ang online pages ng lahat ng mga kandidato.

Facebook Comments