Proseso sa survey ng Pulse Asia, kinuwestyon ni Atty. Larry Gadon

COURTESY: ATTY. LARRY GAVON FB

Kinuwestyon ni Atty. Larry Gadon ang survey methodology ng Pulse Asia.

Aniya, paanong sumasalamin sa tunay na saloobin ng buong bansa ang 1,200 respondents na malimit na tinatanong ng Pulse Asia.

Tinawag ni Atty. Larry Gadon na “pakagat “at “nagpapadama muna” ang resulta ng pinakahuling Pulse asia survey na nagpapakitang nakakuha ng mataas na approval rating si Pangulong Rodrigo Duterte.


Naniniwala si Gadon na ito ay pang-unang hakbang para sa gagawing public mind setting na ang pinaka-layunin ay mamanipula ang pili ng mga botante sa nalalapit na elekesyon.

Layon lang aniya ng Pulse Asia na makakuha ng public acceptance at credibility.

Ginamit lang aniya ang popularidad ni Duterte upang mahalin ng publiko ang Pulse Asia at paniwalaan ang mga susunod nitong survey.

Dati na aniyang batid ng publiko ang pinalabas na resulta ng survey firm na malakas na sentimyento ng tao pabor sa Pangulo.

Facebook Comments