Proseso sa voluntary repatriation para sa OFWs na tumakas sa employer sa Saudi Arabia, pinabilis na — Philippine Consulate

Inanunsyo ng Philippine Consulate sa Jeddah na pinabilis at pinagaan na ngayon ang proseso ng voluntary repatriation sa Immigration and Deportation Office sa Jeddah, Saudi Arabia.

Partikular sa skilled at non-skilled workers na may kasong absconding o tumakas sa employer dahil sa iba’t ibang kadahilanan.

Nilinaw naman ng Konsulada na hindi sakop ng programa ang mga dayuhang manggagawa na may kasong legal, gaya ng police case, travel ban, implemetation court case o anumang pending case status

Hindi sakop nito ang workers na may kasamang anak o minor dependents.

Ayon sa Philippine Consulate, dapat ding tiyakin na walang nakarehistrong sasakyan sa kanilang pangalan at walang hindi nababayarang traffic violation fines.

Hinihimok din ng Konsulada ang Overseas Filipino Workers (OFWs) na may kasong absconding sa Saudi Arabia na samantalahin ang naturang programa dahil maaaring magbago ang nasabing patakaran anumang oras batay sa desisyon ng Jawazat.

Facebook Comments