Patuloy ang pagkahumaling ng marami sa paggawa ng prosperity bowl sa pagsalubong ng Bagong Taon bilang paniniwalang maka akit ito ng suwerte at kasaganaan sa darating na taon.
Laman ng social media ang ibat ibang bersyon nito na karaniwang may lamang bigas, itlog, barya, papel na pera sa pulang sobre, at bilog na pruta na sinasabing simbolo ng swerte at kasaganahan. Karaniwang inihahanda ito bago maghating gabi ng Bagong Taon at inilalagay sa gitna ng mesa o altar.
Para sa ilan, ang paghahanda ng prosperity bowl ay hindi lamang tradisyon kundi paraan din ng positibong pagharap sa bagong taon, partikular na ngayong papalapit ang 2026.
Samantala walang namang itinakdang petsa kung kailan dapat alisin ang prosperity bowl dahil nakadepende ito sa personal na paniniwala at intensyon ng naghanda nito. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










