Prostitusyon sa Marawi, hindi pinaniniwalaan ni Gov. Hataman!

Hangga’t walang opisyal na datos o bilang ng mga kababaihang IDPs sa Marawi city na nasasangkot sa prostitusyon, hindi paniniwalaan ni ARMM Gov. Mujiv Hataman ang report na may ilang kababaihan diumano sa lungsod ang nasasadlak na sa prostitution dahil sa kahirapan.
Sinabi ni Gov. Hataman sa “Tapatan sa ARMM”, sa panahon ngayon kung kailan aktibo na ang halos lahat ng tao sa social media, hindi imposibleng gumawa ng kahalintulad na report, maari anyang magposte ang sino man sa social networking sites ng mga balitang wala namang katotohanan, “Laganap ang fake news”, ayon sa gobernador.
“Given yung kultura, given yung pagpapahalaga ng mga Mananao sa dignidad, ako, hindi ako naniniwala”, dagdag pa ni Gov. Hataman.
Posible nga ba ang prostitusyon sa Marawi?

Facebook Comments