Protection efforts para sa mga evacuees ng Albay, pinaplantsa na ng DSWD

Plano na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang protection efforts para sa mga evacuees ng pag-aalburoto ng Bulkang Mayon.

Nagpulong na ang DSWD Bicol Regional Office at iba’t ibang Local Social Welfare and Development Offices (LSWDO) ng mga Local Government Units para sa implementasyon nito.

Ayon sa DSWD, sa pamamagitan ng ECT ay matutulungan ang mga evacuee na tugunan ang kanilang pangangailangan, gaya ng pagkain at gamot, bukod sa iba pa, sa panahon ng disaster response phase, kasama ang DSWD at LSWDO, napag-usapan rin ng mga ahensiya ang tungkol sa camp coordination at camp management.


Matatandaan na magpapatupad rin ang DSWD ng Emergency Cash Transfer o isang adaptive strategy ng DSWD na ibinibigay sa mga pamilyang naapektuhan ng kalamidad.

Facebook Comments