Manila, Philippines – Nagsimula na ang ikawalong pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee kaugnay sa mga anumalya sa Bureau of Customs.
Agad naghain si Senator Panfilo “Ping” Lacson ng mosyon na humihiling na ibalik ng Senado ang protective custody sa broker na si Mark Taguba na tinanggal ni Committee Chairman Senator Richard Gordon.
Pinagbigyan naman ng komite ang mosyon ni Lacson sabay ang paliwanag na kaya niya inalis ang apat na miyembro ng Senate Sergeant at Arms kay Taguba ay dahil napatunayan na kaya naman nitong kumuha ng sarili niyang security.
Bukod dito ay inihain din ni Lacson ang mosyon na nagaatas sa Bureau of Customs partikular kay si Commissioner Isidro Lapeña na isumite sa kumite ang talaan ng mga inilabas nilang alert orders bawat buwan.
Sa impormasyon ni Lacson nasa 400 ang alert order na nakilalabas kada buwan.
Ikatlong mosyon ni Lacson na imbitahan ang lahat ng mga personalidad na nabanggit sa kanyang privilege speech ukol sa tara system sa BOC at sa mga pagdinig ng Kamara at Senado.