PROTEKSYON AT KARAPATAN NG MGA BOTANTE, IGINIIT NG ILANG PANGASINENSE

Iginiit ng ilang botante sa Pangasinan na dapat lamang na maprotektahan ang kanilang karapatan bilang mga botante sa kasagsagan ng eleksyon.

Ani ng ilang botante, talamak ang vote buying o pagbili ng boto ng mga mapangahas na kandidato kaya nararapat lamang umano na paigtingin ng bawat isa ang kanilang paninindigan na bumoto ng tama at nararapat.

Nakakalungkot rin umano na nasanay na ang karamihan sa ilegal na kalakalan na ito tuwing magkakaroon ng eleksyon at tila ba hindi na umano nakagugulat pang pakinggan.

Samantala, iginiit naman ng hanay ng kapulisan sa Pangasinan na nananatili itong non-partisan sa pagtitiyak ng kaligtasan ng publiko kasagsagan ng election period. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments