PROTEKSYON LABAN SA DENGUE, MAS PAIIGTINGIN SA LUNGSOD NG DAGUPAN

Mas paiigtingin pa ang proteksyon laban sa sakit na dengue alinsunod sa Anti-Dengue Campaign ng lokal na pamahalaan ng Dagupan katuwang ang Anti-Dengue Brigade at City Health Office.
Alinsunod dito ang pagsasagawa ng mga anti-misting operation sa mga barangay, paaralang maging sa mga public market sa lungsod.
Nakatanggap din ang LGU Dagupan ng nasa higit apat na libo o kabuuang bilang na apat na libo at tatlong daang piraso ng mga multi insect spray mula sa ilang kumpanya.

Pinaalalahanan din ng alkalde ang lahat na maging mapagmatyag sa mga maaaring pagmulan o mga bahaging posibleng pamugaran ng lamok tulad ng mga stagnant water. Dagdag pa nito na kung nangangailangan ng fogging ang komunidad, bukas naman umano ang tanggapan ng CHO para isagawa ito.
Samantala, ayon sa datos ng Department of Health Center for Health Development Ilocos Region (DOH-CHD-1), nagtala ang lalawigan ng Pangasinan na may pinakamataas na bilang ng kaso ng dengue na nasa 904, La Union na may 521 kaso, Ilocos Norte na may may 400 at Ilocos Sur sa 132 na kaso rin. |ifmnews
Facebook Comments