PROTEKSYON LABAN SA LEPTOSPIROSIS, IPINAALALA

Ipinaalala ng Department of Health (DOH) ang kahalagahan ng wastong impormasyon ng publiko sa Leptospirosis upang maprotektahan ang sarili at pamilya laban sa sakit lalo na sa panahon ng tag-ulan.

Ang Leptospirosis ay maaaring makuha sa paglusong sa baha o putik na kontaminado ng ihi ng daga. Kabilang sa mga sintomas nito ang lagnat, pananakit ng katawan, paninilaw ng mata, at pagsusuka.

Kung makararanas ng alinman sa mga sintomas matapos malubog sa kontaminadong tubig o putik, mahalagang agad magpatingin sa doktor o magtungo sa pinakamalapit na ospital upang makakuha ng tamang lunas.

Sa Dagupan City at Binmaley, patuloy pa rin ang pamamahagi ng lokal na pamahalaan ng anti-bacterial na Doxycycline bilang pre-emptive na gamot laban sa Leptospirosis kasunod na nararanasang pagbaha.

Pinaalalahanan pa rin ang publiko na magsuot ng proteksyon tulad ng bota at guwantes kapag lumulusong sa baha, at panatilihing malinis ang kapaligiran upang makaiwas sa sakit. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments