PROTEKSYON | Mga psychiatrists na sumuri kay CJ Sereno, humirit ng Immunity at Executive Session

Manila, Philippines – Humirit ang mga psychiatrists na sumuri kay Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno ng Executive Session bago iprisenta ang Psychiatric Test Result ng Punong Mahistrado.

Sina Dr. Dulce Lizza Sahagun ng The Medical City at si Dr. Genuina Ranoy ng St. Luke’s Medical Center ang mga psychiatrists na nag-evaluate at nagbigay ng “failing mark” kay Sereno nang magsumite ito ng aplikasyon sa JBC para sa pagka-Chief Justice.

Paliwanag ni Ranoy, silang mga doctor ay guided pa rin ng confidentiality sa resulta ng test na ginawa kay Sereno alinsunod na rin sa inamyendahang JBC rules.


Hiniling din ng mga ito ang Legislative Immunity o proteksyon mula sa Kamara laban sa anumang pagsasampa ng kaso sa oras na ipakita nila ang mga dokumento sa Psychiatric Test Result ni Sereno.

Ganito rin ang hirit ni Dr. Geraldine Tria, isang Clinical Psychiatrist, sa dahilang siya ang nagfollow-up sa test na ginawa nila Sahagun at Ranoy kay CJ Sereno.

Pagbobotohan pa ng komite ang hirit na Executive Session at ipapaapruba pa ang hiling na Legislative Immunity ng mga doktor kay Speaker Pantaleon Alvarez.

Nauna dito ay nagbanta kaninang umaga si Justice Committee Chairman Rey Umali na ipapa-cite in contempt ang JBC kung hindi ibibigay ang mga dokumento sa Psychiatric test ni Sereno.

Facebook Comments