Proteksyon ng consumers mula sa online scammers, iginiit ni Pangulong Duterte

Nanawagan si Pangulong Rodrigo Duterte ng consumer protection mula sa online scammers.

Ito ang binigyang diin ng Pangulo sa kanyang ikalimang State of the Nation Address (SONA) kasabay ng paghabol sa mga indibiduwal na umabuso sa right to data privacy.

Inatasan ni Pangulong Duterte ang Department of Trade and Industry (DTI) para tiyaking napoprotektahan ang consumer rights ng bawat Pilipino at makipagtulungan sa mga publiko at pribadong organisasyon sa pagtatayo ng patas, ligtas, at matibay na ekonomiya.


Iginiit ni Pangulong Duterte na kailangang bantayan ang cyberspace at magpatupad ng online consumer at date protection at privacy laws.

Tiniyak ni Pangulong Duterte na poprotektahan niya ang physical at digital lives ng lahat ng law-abiding citizens.

Facebook Comments