Proteksyon ng COVID-19 vaccines, hindi pa tiyak hanggang kailan tatagal

Walang sapat na datos kung hanggang kailan tatagal ang proteksyon ng COVID-19 vaccines na itinurok sa isang indibidwal.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, laging bukas ang DOH sa mga bagong datos na sumusuporta sa mga COVID-19 vaccine kaugnay sa maaaring magbigay ito ng mas matagal na proteksyon na lampas sa anim na buwan

Aniya, pinag-aaralan din ng DOH kung magpapatupad sila ng polisiya para sa booster shot na susuporta sa proteksyon ng mga bakuna.


Paliwanag pa ng kalihim, hindi lahat ng bakuna ay pare-pareho ang pagkakagawa kaya mahalagang ang ibayong pagmo-monitor sa mga ito.

Sinabi ni Duque na hindi niya ipinapayo ang paggamit ng pinaghalong magkaibang brand ng COVID-19 vaccine sa isang indibidwal lalo na’t walang patunay na epektibo ito.

Giit ng kalihim, sakaling makaranas ng adverse event matapos maturukan ng magkaibang bakuna ang isang indibidwal ay mahihirapang matukoy kung aling brand ng bakuna ang nadulot ng side effect.

Magugunitang ikinokonsidera ng mga vaccine experts sa Pilipinas ang posibilidad ng paghahalo ng magkaibang brand ng COVID-19 vaccine dahil sa limitadong suplay ng bakuna.

Facebook Comments