PROTEKSYON NG KABATAAN, PINAGTIBAY SA SUNOD-SUNOD NA TECH-TALK FORUMS SA MGA PAARALAN

Bilang paggunita sa 33rd National Children’s Month at 35th Library and Information Services Month, magkakasunod na isinagawa ang serye ng Tech-Talk Forums on OSAEC-CSAEM Prevention Awareness Campaign sa iba’t ibang paaralan upang palakasin ang proteksyon ng kabataan laban sa Online Sexual Abuse and Exploitation of Children (OSAEC) at Cyber Sexual Abuse and Exploitation of Minors (CSAEM).

Sa pangunguna ng mga paaralan at city libraries, at sa tulong ng Regional Anti-Cybercrime Unit 1 (RACU 1) mula sa Anti-Cybercrime Group ng Philippine National Police, naihatid ang mga talakayan na naglalayong turuan ang mga mag-aaral, guro, at magulang kung paano matukoy, maiwasan, at ireport ang mga banta ng online exploitation.

Nagsimula ang serye noong Nobyembre 24, 2025, sa Malacañang National High School, kung saan tinalakay ang lumalalang panganib ng online exploitation sa digital age. Sinundan ito ng isa pang forum sa Agdao Integrated School, kung saan mas pinagtibay ang diskusyon sa tamang paggamit ng internet at online vigilance.

Bilang ikatlong installment, nagsagawa rin ng Tech-Talk Forum ang San Carlos City Library sa Bacnar National High School.Dito ibinahagi ang makabuluhang impormasyon tungkol sa seguridad ng kabataan sa online platforms.

Pinatunayan ng magkakaugnay na forum na ito ang sama-samang adbokasiya ng paaralan, aklatan, at law enforcement—na tiyaking ang bawat bata ay ligtas, may karapatan, at may suporta sa gitna ng mabilis na paglago ng teknolohiya.

Patuloy ang laban para sa isang ligtas na online world para sa kabataan—dahil ang kanilang karapatan ay dapat pangalagaan, ipaglaban, at protektahan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments