Ngayong nararanasan ng bansa ang tag tuyot, tiniyak ng Task Force El Niño na nagpapatupad ng mga hakbang ang pamahalaan laban sa profiteering.
Bilang chairman ng Task Force, hinikayat ni Department of National Defense Secretary Gilbert Teodoro ang Department of Trade and Industry na paigtingin ang supply at price monitoring para mapangalagaan ang mga consumer.
Ito’y alinsunod na rin sa utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na palakasin ang government intervention para maibsan ang mga epekto ng El Niño.
Kaugnay nito, pinatitiyak ni Sec. Teodoro na may sapat na suplay ng mga pangunahing produkto, partikular sa mga lugar na nakakaranas ng matinding epekto ng tag-tuyot.
Kasunod nito, hinihikayat ng kalihim ang publiko na i-report sa One-DTI (1-384) Hotline o sa email ang mga retailer, distributor, o manufacturer na nagbebenta ng mga produkto na mas mataas sa itinatakdang suggested retail price ng DTI.