PROTEKSYON NG MGA KABATAAN MULA SA PANG-AABUSO, PINATATAG SA MGA BARANGAY SA ALAMINOS

Pinalakas ng lokal na pamahalaan ng Alaminos ang kapasidad ng Barangay Council for the Protection of Children (BCPC) sa pamamagitan ng isinagawang capability development training na layong patibayin ang child protection mechanisms sa mga barangay.

Tinalakay sa naturang pagsasanay ang mahahalagang probisyon ng Republic Act 9344 o Juvenile Justice and Welfare Act, kabilang ang diversion program, child rights, at mga proseso sa paghawak ng kaso ng kabataang may paglabag sa batas.

Nagbigay ito ng mas malinaw na gabay sa tungkulin ng barangay sa tamang pagresponde at pagprotekta sa mga menor de edad.

Bahagi rin ng training ang pagpapalakas ng kaalaman at koordinasyon ng mga BCPC member upang matiyak na ang bawat barangay ay mas handang magpatupad ng child protection protocols at makapagbigay ng ligtas na kapaligiran para sa mga kabataan.

Itinuturing ng lungsod ang inisyatibong ito bilang mahalagang hakbang sa pagpapatatag ng mga child-friendly barangay at sa patuloy na pagtiyak ng seguridad at kapakanan ng mga batang Alaminian. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments