Regular na nagsasagawa ng monitoring ang Department of Trade and Industry (DTI) Region 1 Enforcement and Monitoring Team upang matiyak ang mahigpit na pagsunod sa fair trade laws sa mga establisyimento.
Layon ng operasyon na protektahan ang kapakanan ng mga mamimili at tiyaking ang mga produkto at serbisyo ay naaayon sa umiiral na batas.
Bahagi ng aktibidad ang pagpapalakas sa consumer rights protection at masiguro ang patuloy na pagsunod ng mga negosyo sa tamang patakaran.
Patuloy ang tanggapan sa pagpapatupad ng mga ganitong hakbang upang mapanatili ang patas, ligtas, at responsableng kalakalan sa lalawigan kasunod ng inaasahang dagsa ng mga mamimili sa mga establisyimento pagsapit ng kapaskuhan.
Facebook Comments









