Proteksyon ng mga mag-aaral, faculty at staff sa lahat ng educational institutions, dapat tiyakin ng mga awtoridad kasunod ng pambobomba sa MSU gymnasium

Mariing kinondena ni House Deputy Minority Leader at ACT Teachers Party-list Representative France Castro ang pambobomba sa gymnasium ng Mindanao State University (MSU) sa Marawi City kung saan may mga nasawi at marami ang nasugatan.

Bunsod nito ay hiniling ni Castro sa mga awtoridad na tiyakin ang proteksyon ng mga mag-aaral, faculty at staff sa lahat ng educational institutions upang hindi na maulit ang insidente ng karahasan.

Umapela rin si Castro para sa agarang pagsasagawa ng malaliman at patas na imbestigason upang mapanagot ang mga nasa likod ng karahasan at para agad ding mabigyan ng hustisya ang mga biktima.


Kaugnay nito ay pinayuhan ni Castro ang taumbayan na maging mapagmatyag at agad i-report ang anumang kahina-hinalang aktibidad na maaaring banta sa kaligtasan at kapakanan ng bawat komunidad.

Facebook Comments