
Personal na nakipagdayalogo si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa mga magsasaka at mangingisda sa Nueva Ecija para alamin ang kanilang kalagayan at pangangailangan.
Sa ginawang dayalogo, tiniyak ng Pangulo ang kapakanan ng mga magsasaka sakaling tumama ang mga malalakas na bagyo sa bansa ngayong panahon ng tag-ulan.
Ayon sa Pangulo, may nakalatag nang sistema ang pamahalaan para sa pagbibigay ng kailangang tulong sa mga nasa agriculture sector sa panahong ng kalimidad.
Sabi ng Pangulo, maaaring gamitin ang subsidiya para sa mga sakahan na hindi na kayang taniman nang sa gayon ay makatawid sa planting season ng mga magsasaka.
Mas pinalawak pa ang insurance coverage sa mga pananim ng mga farmer kung sakaling tumama ang La Niña o kahit pa ang El Niño.









