*I*sinusulong sa mga komunidad sa bayan ng Anda ang pakikiisa ng publiko sa adbokasiya ukol sa wastong proteksyon sa mga yamang dagat, kabilang ang pawikan.
Ito ay kasunod ng pagkakasagip sa isang green sea turtle sa Brgy. Macandocandong, na agad ding ligtas na pinakawalan sa baybayin.
Dahil sa mayamang marine resources ng bayan, kabilang ito sa mga bayan sa Pangasinan, kasama ang Sual, at Alaminos City, sa itinatag na Marine Protected Area Network sa Western Pangasinan para sa pangangalaga sa yamang dagat at para sa pagpapanatili ng aquaculture at turismo.
Hinimok rin ng lokal na pamahalaan ang mga residente na suportahan ang wastong pangangasiwa sa mga marine environment para sa mga susunod pang henerasyon.
Facebook Comments





