Proteksyon ng mga Pilipino laban sa hate crimes sa America, tiniyak ng embahada

Kumikilos na ang Federal Bureau of Investigation upang tiyakin ang proteksyon ng mga Pilipinong naninirahan sa Estados Unidos.

Pahayag ito ni Philippine Ambassador to US Jose Manuel Romualdez sa Laging Handa public press briefing sa gitna ng mga napapaulat na hate crimes sa Amerika laban sa mga Asyano, dahil sa COVID-19 pandemic.

Ayon kay Ambassador Romualdez, ang US State Department ay agad na tumugon sa note verbal na ipinadala ng embahada ng Pilipinas kaugnay sa tumataas na bilang ng hate crimes laban sa mga Asian- American.


Nakapagpadala na rin aniya sila ng liham sa US Senate kaugnay rito.

Naniniwala ang ambahador na umaayon na ang mga hakbang na kanilang ginagawa, lalo’t batid na ng mga kinauukulan sa US, ang mga hate crimes na nagaganap.

Facebook Comments