PROTEKSYON NG OFW | Mga kongresista, pinapapunta sa Middle East para makita ang sitwasyon doon ng mga OFW

Manila, Philippines – Inirekomenda ni Gabriela Party list Rep. Emmi de Jesus na papuntahin ang mga kongresista sa Middle East partikular sa Saudi Arabia para personal na alamin ang sitwasyon ng mga OFWs doon.

Ayon kay de Jesus, panahon na para magsagawa ng on-ground assessment ang mga mambabatas sa kalagayan ng mga OFWs sa Saudi Arabia para makita kung ano ang nararapat na intervention ng gobyerno para proteksyunan ang mga OFWs.

Sinabi ni de Jesus na ang kaso ng domestic helper na si Agnes Mancilla na pinainom ng bleach ng amo ay isa lamang sa mahabang listahan ng pang-aabuso sa OFWs.


Kaugnay nito, nauna nang naghain ng House Resolution 625 ang Gabriela sa Kamara para maisulong ang parliamentary visit sa mga manggagawang Pinoy sa Saudi.

Kailangan na rin aniyang silipin ng Kongreso ang labor cooperation agreement sa pagitan ng Saudi at Pilipinas para mabigyang prayoridad ang protektisyon ng OFWs sa halip na nakatutok lamang sa labor deployment.

Facebook Comments