PROTEKSYON PARA SA MGA BATANG DAGUPEŃO, HATID NA UMAARANGKADANG IMMUNIZATION ACTIVITY

Hatid para sa mga batang Dagupeño ang pagtiyak sa malakas na resistensya laban sa posibleng mga makuhang sakit sa paglaki ng umaarangkadang immunization activity ng lokal na pamahalaan ng Dagupan.
Ang mga bata sa tatlumpu’t-isang barangay ng lungsod ay tinutungo ng mga kawani mula City Health Office, barangay nurses maging ang mga Barangay Health Workers o BHWs upang maturukan ng naturang bakuna.
Tiniyak naman ng lokal na pamahalaan ng lungsod ang regular na pagsasagawa ng nasabing aktibidad sa pagpapatuloy nito sa mga komunidad sa bara-barangay.

Samantala, bahagi ito ng adhikain na mapalawig pa ang mga serbisyong pangkalusugan na magpapanatili ng kapakanang pangkalusugan ng bawat Dagupeño. | ifmnews
Facebook Comments