Proteksyon para sa mga OFW, mas paiigtingin pa ng DMW

Inanunsyo ng Department of Migrant Workers (DMW) na mas paiigtingin ang mga hakbang upang proteksyunan ang mga Overseas Filipino Worker (OFW) kasunod ng muling pagpayag na mag-deploy ng Filipino workers sa Kuwait.

Kinumpirma ni DMW Secretary Hans Leo J. Cacdac ang pagpapagaan ng Kuwait sa visa restrictions na ipinataw mula noong May 2023.

Kung saan mas mapadadali na ang deployment para sa mga professional, skilled at semi-skilled workers; pati na rin ang domestic workers na may nauna nang karanasan sa ibang bansa.


Magpapatuloy ang naturang deployment kasunod ng ilalabas na guidelines ng mga patakarang tumutukoy sa proteksyon ng OFWs.

Nagkasundo rin ang dalawang bansa na bumuo ng joint technical working committee para matugunan kaagad ang labor issues.

Ang resolusyong ito umano ay sumasalamin sa matibay na relasyong diplomatiko sa pagitan ng dalawang bansa.

Facebook Comments