Proteksyon para sa mga OFW sa Kuwait, hiniling na paigtingin

Ikinalugod ni Overseas Filipino Worker (OFW) Partylist Representative Marissa Magsino ang pagtanggal ng gobyerno ng Kuwait ng ban sa pagbibigay ng entry visa at workers visa para sa mga Pilipino.

Bunsod nito ay iginiit ni Magsino sa pamahalaan na paigtingin muna ang pagbibigay ng proteksyon sa mga OFW sa Kuwait upang matiyak na walang mangyayaring pag-abuso sa kanila lalo na sa mga household service worker.

Ayon kay Magsino, dapat munang mailatag ang mas malakas na polisiya at proteksyon para sa mga manggagawang Pilipino bago ibalik ang deployment sa Kuwait.


Binigyang-diin ni Magsino na dapat magkaroon ng ngipin na po-protekta sa karapatan ng mga OFW ang bilateral labor agreements ng Pilipinas sa Kuwait upang hindi ito maging isang palamuting papel lamang.

Facebook Comments