PROTEKSYON SA INFLUENZA-LIKE ILLNESSES, DAPAT PAIGTINGIN- PANGASINAN PDRRMO

Pinag-iingat ang publiko sa banta ng influenza-like illnesses dahil sa mataas na kaso ng nakakahawang sakit.

Ayon sa Pangasinan PDRRMO, dapat protektahan ang sarili laban sa sakit at alamin ang mga sintomas nito.

Karaniwang napagkakamalang trangkaso ang influenza dahil kahalintulad nito ang mga sintomas na ubo, sipon, lagnat, at pananakit ng katawan.

Nakakahawa ito sa pag-ubo, bahing o pakikisalamuha sa may sakit.

Samantala, pinabulaanan naman ng Department of Health ang kumakalat na balita ng di umano’y lockdown dahil sa influenza kasunod ng naunang pahayag ng tanggapan na wala ring outbreak nito sa bansa.

Kaugnay nito, mainam na patuloy na palakasin ang resistensya, panatilihin ang kalinisan,umiwas sa matataong lugar at magsuot ng facemask upang hindi madaling mahawa sa anumang sakit. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments