PROTEKSYON SA MAHIHIRAP | 200 pesos na kada buwang tulong pinansyal para sa mga mahihirap kasabay ng tax reform law, inihahanda na

Manila, Philippines – Inihahanda na ang pamamahagi ng P200 ayuda kada buwan para sa 10 milyong pinakamahihirap na pamilya at senior citizens kasabay ng pagpapatupad ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN).

Ito ay isa sa “safety nets” o proteksyon para sa mga mahihirap at para matulungan silang makahabol sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

Kasama sa 10 milyong makatatanggap ng ayuda ang 4.4 milyong benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).


Kabilang din sa bibigyang ayuda ang 2.8 milyong indigent o mahihirap na senior citizens.

Habang 2.8 milyong iba pang pamilya ang pipiliin sa listahan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Sa susunod na dalawang buwan naman masisimulang makakuha ng dagdag na P200 ang mga indigent senior citizens na kasalukuyang tumatanggap ng P500.

Binibigyan naman ang DSWD ng tatlong buwan para beripikahin ang listahanan at pumili ng halos tatlong milyong bagong pamilya para sa subsidiya.

Facebook Comments