Proteksyon sa mga delivery riders at parusa sa mga peperwisyo sa mga ito, isinulong ni Senator Lapid

Inihain ni Senator Lito Lapid ang Senate Bill 1677 na layuning bigyan ng proteksyon ang mga delivery riders at drivers na malaki ang naging serbisyo lalo na ngayong may pandemya.

Ang panukala ni Lapid ay tugon sa nasasayang na oras at salapi ng mga riders dahil sa pagkansela ng order at pag-aabono ng mga ito dahil sa mga manlolokong customers na nagbibigay ng fake address.

Itinatakda ng panukala ni Lapid na ang service provider ay magkaroon ng reimbursement scheme pabor sa delivery rider para mbawi nito sa loob ng isang araw ang ibinayad sa mga kinanselang orders.


Ang food at grocery delivery service providers na mabibigong maglagay ng reimbursement scheme ay pagmumultahin ng hindi hihigit sa kalahating milyong piso at babayaran nila ng doble ang halagang hindi naireimburse ng kanilang rider.

Ipinag-uutos din ng panukala ang pagpapatupad ng know-your-customer rules kung saan magkakaroon ng submission at verification ng proof of identity at residential address ang customer na umaayon sa Data Privacy Act.

Nakapaloob din sa panukala na ang customer na tatlong beses nagkansela ng order sa loob ng isang buwan ay mahaharap sa pagkabilanggo ng isa hanggang anim na buwan at pagmumultahin ng hindi hihigit sa P100,000.

Facebook Comments