Proteksyon sa mga guro at estudyante ngayong pandemya, tiniyak ng DepEd

Tiniyak ng Department of Education (DepEd) na patuloy nilang tinutugunan ang pangangailangan ng mga guro, estudyante at iba pang personnel.

Nabatid na ipinaabot ni Vice President Leni Robredo sa DepEd ang mga concern ng ilang guro, kabilang ang panawagan para sa mass testing, physical check-ups, paghingi ng medical supplies at protective gears.

Ayon kay Education Secretary Leonor Briones, nireresolba ng kagawaran ang ilang concerns na binanggit ni Robredo – kabilang ang mga may kinalaman sa personnel welfare, pagpapatupad ng distance learning at realigning ng bahagi ng kanilang budget.


Dagdag pa ni Briones, sumusunod sila sa polisiyang itinakda ng national government lalo na sa mass testing.

Pinayuhan din ng kalihim ang mga guro na sumailalim sa work-from-home scheme lalo na sa high risk areas.

Iginiit ni Briones na hindi maaaring gumawa ang DepEd ng malalaking realignments sa kanilang budget na walang konsultasyon mula sa Department of Budget and Management (DBM).

Nanindigan din ang DepEd na ipupursige sa August 24 ang pagbubukas ng klase at patuloy ang mga paghahanda para matiyak na maayos na maipatutupad ang bagong learning delivery.

Facebook Comments