Manila, Philippines – Isang pangarap para kay Philippine National Police (PNP) Chief Police Director General Ronald Dela Rosa na maisabatas ang Nationwide Curfew Bill.
Ito ay dahil sa nagpapatuloy na paggamit ng mga bata ng mga sindikato ng iligal na droga sa kanilang mga transaksyon.
Ayon kay Dela Rosa, colonel pa lamang siya, kabiguan na para sa kanya ang hindi pa rin pagkakapasa ng nationwide curfew bill.
Giit ni Dela Rosa, nagiging ligtas ang mga druglord sa distribution ng mga iligal na droga dahil mga bata ang nagbibitbit nito at kung mahuli man ay hindi nakukulong sa halip ito ay itini-turn over sa DSWD at pinapauwi.
Maliban sa transaksyon ng iligal na droga, nagagamit din aniya ng akyat bahay gang ang mga bata dahil sa mas madali nakakapasok ng bahay ang mga bata at kung mahuli ay hindi rin napaparusahan.
Dahil dito napapanahon na para kay Dela Rosa na maayos na ang batas.