Qatar – Magpapatupad ng mga bagong batas para sa mga Overseas Filipino Worker na nasa Qatar.
Ayon kay Qatar Labor Minister Issa Saad Al-Jafali Al-Nuaimi, layon nitong matiyak ang proteksyon ng mga manggagawa doon.
Sa pagdating ng Labor delegation ng Pilipinas sa Qatar, sinabi ni Labor Undersecretary Ciriaco Lagunzad na nagpapatupad na ng Dispute Settlement System sa Qatar.
Paliwanag naman ni Labor Attaché David Des Dicang, ito ang magsisilbing komite na mag-aayos ng labor disputes sa loob ng 21 araw.
Magiging katuwang aniya ng naturang komite ang Ministry of Justice at Ministry of Labor ng bansa.
Samantala, pinangunahan naman ni Lagunzad ang delegasyon ng Pilipinas para alamin ang kondisyon ng mahigit 250,000 na manggagawang Pilipino sa Qatar.
Facebook Comments