PROTEKSYON SA MGA OFW | Bilateral talks ng Pilipinas at Kuwait, posibleng masimulan na sa mga susunod na buwan

Manila, Philippines – Posibleng masimulan na sa mga susunod na linggo o buwan ang bilateral talks ng Pilipinas sa pagitan ng Kuwait kaugnay ng kapakanan ng mga OFW sa nasabing Middle East country.

Ayon kay OWWA Administrator Atty. Hans Leo Cacdac, lima o anim na taon na ang nakararaan nang magkaroon ng bilateral labor cooperation agreement ang dalawang bansa pero hanggang ngayon ay hindi pa ito napipirmahan.

Aniya, isa ito sa nakikitang nilang solusyon para maprotektahan ang mga OFW mula sa kaso ng pang-aabuso.


Maliban dito, dapat din aniyang tingnan ang proseso ng pagre-recruit sa bansa.

Facebook Comments