PROTEKSYON SA OFW | 2 nilalaman ng MOA sa pagitan ng Pilipinas at Kuwait, ibinahagi ng Malacañang

Manila, Philippines – Inihayag ng Palasyo ng Malacañang na tuloy na tuloy na ang paglagda ng isang Memorandum of Agreement sa pagitan ng Pilipinas at Kuwait para mapangalagaan ang kapakanan ng mga OFW doon.

Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, ngayong gabi ay darating na sa Kuwait sina Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano at Special Envoy to Kuwait Secretary Abdullah Mamao para saksihan ang paglagda sa nasabing kasunduan.

Sinabi ni Roque na kabilang sa mga lalamanin ng kasunduan ang pagpayag ng Kuwaiti Government na idiposito nalang ng mga OFW ang kanilang mga passport sa Philippine Embassy imbes na kumpiskahin ng kanilang mga employers.


Isa din aniya sa mga mapagkakasunduan ay ang pagpayag na magmayari ng cellphone ang mga OFW para makatawag ang mga ito sa bubuuing task force ng Kuwaiti Police para makahingi ng tulong kung kinakailangan.

Bukas ng hapon ay lalagdaan na ang nasabing kasunduan at ihahatid aniya niya ang buong detalye nito paguwi ng Pilipinas.

Facebook Comments