Manila, Philippines – Ibinida ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang kanilang mga nagawa sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs) upang mabigyan ng proteksyon ang mga migrants workers sa nagtatrabaho sa abroad.
Sa ginanap na presscon sa DOLE sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III binalangkas na ng kagawaran na magkakaroon ng One Stop Shop sa mga OFW na planong bumalik sa bansa.
Ipinagmalaki rin din ng kalihim na 11 mga recruitment agencies ang kinasuhan na ng DOLE at kinansela na rin ang kanilang mga lisensiya.
Bukod dito mayroon na rin mga opisyal ng gobyerno ang tinanggal sa trabaho kung saan base sa report ng Fact Finding Committee napatunayan na limang mga opisyal ng POEA ang sinibak at kinasuhan dahil sa irregularities at kurapsyon ang mga ito ay sina Florencio Medina, Jerome Sosa, Rosalina Rosales, Regency Catinag at Renegel Marunay.
Paliwanag ni Bello na sa unang linggo ng Marso ay maisapinal na rin ang Draft ng Memorandum of Agreement para mabigyan ng proteksyon ang mga OFW sa ibang bansa.