Manila, Philippines – Nangangamba ang Department of Labor and Employment na maaapektuhan ang ibang Overseas Filipino Workers sa Kuwait, Qatar at Saudi Arabia, kasunod ng Total Deployment Ban na una nang idineklara ng Labor Department.
Dahil dito, ayon kay Labor Undersecretary Ciriaco Lagunzad, bukas na bukas ay tutungo sila sa tatlong nabanggit na bansa para matiyak na mayroong sapat na proteksyon ang mga OFWs.
Kaugnay pa rin sa Deployment Ban ng DOLE, inanunsyo ni Labor Secretary Silvestre Bello III na pagiigtingin pa ng Labor Department ang kanilang kampaniya kontra Illegal Recruiters.
Pinakakansela na rin ng kalihim sa POEA ang lisensya ng 11 Private Recruitment Agencies na mayroong mga pending na kaso at reklamo ng mga OFWs na hindi naaksyunan.