Manila, Philippines – Matapos magkasundo na ang gobyerno ng Pilipinas at
Kuwait sa isang Memorandum of Understanding (MOU) aasahan na umano ang mas
magandang kondisyon ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) sa nasabing
bansa.
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, maliban sa bawal na
pagkumpiska ng mga employers sa pasaporte, hindi na rin papayagan ang
pagbebenta o paglilipat ng OFWs lalo ang mga domestic helpers sa bagong amo.
Nakapaloob din aniya, ang MOU na bago mailipat sa bagong employer ang
manggagawang Pilipino, kailangan ang “written consent” na pumapayag siya at
dapat aprubado ito ng labor attaché.
Una rito ay kinumpirma ni Secretary Bello na pumayag na ang Kuwaiti
government sa nasabing kasunduan at nakatakda itong lalagdaan sa loob ng
dalawang linggo sa bansang Kuwait.
<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>