Manila, Philippines – Pirma nalang ang hinihintay ng Pilipinas at Kuwait para maisapinal ang Memorandum of Understanding na poprotekta sa karapatan ng mga OFW.
Sa interview ng RMN Manila kay Labor Secretary Silvestre Bello III, sinabi niyang umaasa ang pamahalaan na hindi lamang sa papel matapos ang usaping ito.
Ayon kay Bello, maging sincere sana ang Kuwait sa pipirmahang kasunduan para sa kapakanan ng mga Pinoy worker.
Binigyan diin naman ng kalihim, hindi pa aalisin ni Pangulong Duterte ang deployment ban sa Kuwait pero mahalaga aniyang may kasunduan na.
Sa Huwebes, nakatakdang dumating sa Kuwait ang delegasyon ng Pilipinas para talakayin ang umiiral na deployment ban sa mga newly hired na Pinoy worker.
Facebook Comments