Manila, Philippines – Inaasahang dedesiyunan na ngayong araw kung saan magkakapirmahan ang gobyerno ng Pilipinas at Kuwait ng Memorandum of Understanding na magbibigay proteksyon sa mga Overseas Filipino Worker. Pero ayon kay Department of Labor and Employment Secretary Sivestre Bello III, bago ang pirmahan, dapat matiyak na hindi aalma ang kuwait sa mga nais pang idagdag sa kaunduan ng DOLE. Kabilang sa mga kondisyong ng Pilipinas sa MOU, ang hindi pagkumpiska sa passport at telepono ng mga OFW, pagbabawal sa paglilipat sa ibang employer hangga’t walang pahintulot ng mismong manggagawa at blacklisting ng employer at foreign agency kapag minaltrato ang OFW. Sinabi pa ni Bello na nais din ng Pilipinas na makakuha ng katiyakan sa Kuwait na mapapanagot ang mga salarin sa pagpatay ng OFW na si Joanna Demafelis bago aalisin ang deployment ban. Kasabay nito, inilunsad din ang OFW command center na bukas ng 24 oras. Dito ay handa tumanggap ng tawag at maaaring magpunta sa command center ang mga kaanak ng mga OFW na may problemang kinakaharap sa ibang bansa.
PROTEKSYON SA OFW | Paglagda ng mga kinatawan ng Pilipinas at Kuwait sa kasunduang magpoprotekta sa mga OFW, inaasahang dedesisyunan ngayong araw
Facebook Comments