PROTEKSYON SA OFW | Petsa ng pagbisita ni Pangulong Duterte sa Kuwait, pinaplantsa na

Manila, Philippines – Pinag-uusapan na ng gobyerno ng Pilipinas at Kuwait ang petsa ng pagbisita ni Pangulong Rodrigo Duterte sa naturang gulf country.

Ayon kay DFA Undersecretary Sarah Lou Arriola, posibleng sa Hunyo bumisita sa kuwait ang Pangulo pagkatapos ng Ramadan.

Isa sa mga pangunahing pakay ng pagbisita ni Pangulong Duterte ay upang tunghayan ang paglagda sa isang Memorandum of Understanding na layong mabigyan ng proteksyon ang mga manggagawang Pinoy sa Kuwait.


Samantala, humigit-kumulang limang libong undocumented Fililipino workers ang hindi naka-avail sa amnesty program ng kuwait at repatriation efforts ng gobyerno ng Pilipinas.

Ayon kay Philippine Ambassador to Kuwait Renato Pedro Villa – karamihan sa mga naiwan ay mga “runaways” o ‘yung mga ayaw pang umuwi sa pagbabakasakaling makahanap ng trabaho sa kabila ng malawakang crackdown sa mga undocumented OFWs doon.

Ngayong araw na nagtapos ang amnesty program ng Kuwait kung saan 4, 494 na mga OFW ang napauwi.

Bukod dito, tatlong batch pa ng mga OFW ang darating sa bansa hanggang bukas.

Facebook Comments