Mataas na proteksyon ang naibibigay sa mga edad 5 hanggang 11 ng reformulated Pfizer COVID-19 vaccine.
Ayon kay infectious disease expert at Vaccine Expert Panel (VEP) member Dr. Rontgene Solante, lumabas sa trial na ginawa sa Amerika na 90 percent na epektibo laban sa severe COVID-19 ang reformulated vaccine sa nasabing age group.
Aniya, 8.7 million ng mga bata edad 5 hanggang 11 sa Amerika ang nabigyan na ng reformulated vaccine kung saan 2% lamang ang nagkaroon ng adverse events.
Ilan aniya sa mga adverse events na ito ay ang pananakit sa injection site, pananakit ng katawan at pananakit ng ulo.
Wala rin naitalang nasawi ang Amerika dahil sa nasabing bakuna.
Pinayuhan din ni Solante ang mga magulang na pabakunahan na ang kanilang anak para sa kanilang proteksyon at ng komunidad.