Manila, Philippines – Inatasan ng Food and Drug Administration ang Sanofi Pasteur Philippines, ang manufacturer ng Dengvaxia na i i-pull out na muna ang nasabing dengue vaccine sa merkado.
Ito ay makaraang aminin mismo ng Sanofi na posibleng tamaan ng mas matinding sakit ang mga batang nabigyan ng Dengvaxia kung hindi pa sila nagkakasakit ng dengue.
Ayon sa FDA sa layuning protektahan ang publiko inatasan narin nila ang Sanofi na pansamantalang itigil ang pagbebenta/distribution at marketing ng Dengvaxia.
Inaatasan din ng ahensya ang Sanofi na magsagawa ng information dissemination campaign sa pamamagitan ng Advisories, Dear Doctor Letters at Patient fora.
Samantala, pinag-susumite rin ng post marketing surveillance ng FDA ang lahat ng drug establishments kabilang na ang consumers & non-consumer users tulad ng mga healthcare professionals.
Paliwanag ng FDA dapat iulat ng mga ito sa ahensya maging sa Department of Health kung nakapagtala ng death, serious illness o serious injury ang sinumang nabakunahan ng Dengvaxia.