Manila, Philippines – Kinakalampag ngayon ng grupong PISTON ang Quezon City Hall of Justice bilang protesta sa tangkang pag-aresto kay George San Mateo.
Giit ng grupo, gawa-gawa lang ang kaso laban sa presidente ng PISTON.
Alas-nuebe kagabi nang mabulabog ang opisina ng kilusang Mayo Uno sa Quezon City dahil sa pagdating ng tatlumpung pulis na aaresto sana kay San Mateo.
Gayunman, bigo silang maisilbi sa lider ang mandamyento de aresto dahil matagal na pala siyang hindi nag-oopisina sa KMU Central Office.
Una rito, iniutos ni Judge Don Ace Alagar ng Metropolitan Trial Court Branch 43 ang pag-aresto kay San Mateo matapos na makitaan ng probable cause ang kasong isinampa laban sa kanya ng LTFRB.
Kaugnay ito ng isinagawa nilang tigil-pasada noong February 27 bilang protesta sa jeepney modernization program na nagdulot ng matinding perwisyo sa mga commuters.