Protesta laban sa martial law, hindi ititigil hangga’t hindi natitinag si Pangulong Rodrigo Duterte

Manila, Philippines – Hindi titigil ang Kabataan Party list at iba pang grupo sa pagsasagawa ng kanilang Black Friday protest hangga’t hindi bumibigay si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga panawagan na bawiin na ang deklarasyon ng martial law sa Mindanao.

Ayon kay Kabataan Rep. Sarah Elago, ginagawa na lang kasing escape goat ng gobyerno ang laban kontra terorismo sa pagmamatigas nito sa martial law declaration sa Mindanao.

Pero ang totoo aniya, marami na ang nagiging biktima ng batas militar sa nagpapatuloy na opensiba nito sa Marawi City.


Nangangamba rin si Elago sa posibilidad na mayroong nagsusulsol kay Pangulong Duterte na gawing nationwide ang martial law declaration.

Tingin din niya ang Armed Forces of the Philippines at Estados Unidos ang nasa likod nito dahil sa pagiging islamophobic at terrorist hysteria.

Facebook Comments