PROTESTA | PISTON, nagbanta ng 2 araw na transport strike

76

Manila, Philippines – Inanunsyo ng transport group na PISTON na sasalubungin nito ng dalawang araw na pambansang transport strike ang pagpasok ng Bagong Taon.

Ito ay para iprotesta ang ipinatutupad na polisya ng gobyerno sa sektor ng transportasyon.

Ayon kay PISTON President George San Mateo, ginagawa lamang gatasan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at ng Department of Transportation (DOTr) ang transport sector na palagi nilang tinatakot ng planong jeepney phase-out .

Kahapon ay sumugod sa tanggapan ng DOTr at LTFRB headquarters ang mga jeepney operators at drivers para iprotesta ang pisong rollback sa pamasahe.

Iginiit ng Piston na hindi dumaan sa konsultasyon ang ipinatupad na one peso fare rollback.

Facebook Comments