Protesta sa Hong Kong, tuloy sa kabila ng pagpigil ng mga otoridad

Hindi nagpatinag ang mga Anti-Democracy Protesters sa Hong Kong at ipinagpatuloy pa rin ang kanilang kilos protesta.

Ito ay matapos na sila hindi bigyan ng permiso ng Hong Kong Police para mag-rally.

Inaresto ng mga otoridad ang ilan sa mga Pro-Democracy Activists na sina Joshua Wong at Agnes Chow.


Samantala, hindi naman itinuloy ng Civil Human Rights Front ang nakatakda sanang Mass March at rally kaya’t hinarangan na lang ng mga nagpoprotesta ang ilang mga kalsada sa Western District ng Hong Kong.

Facebook Comments