Protocol kontra COVID-19 ipinapatupad ng PCG

Nagpatupad na ang Philippine Coast Guard (PCG) ng kaukulang pag-iingat sa kanilang mga personel, opisyal at mga bisita na magtutungo sa himpilan ng PCG sa Port Area, Manila.

Itoy para mapigilan ang pagkalat ng Coronavirus Disease (COVID-19).

Naglagay ng mga Hand sanitizers na makikita sa entrance na pwedeng gamitin para maiwasan at mapuksa ang anumang pagkalat ng virus.


Mahigpit din ipinag-utos sa mga bisita na kailangan nakasuot ng facemask bago pumasok sa loob at kung wala, hindi sila papayagan makapasok.

Habang nagtalaga din ang Department of Health (DOH), ng thermal scanning para agad na malaman ang temperatura ng isang individual na magtutungo sa headquarters.

Bukod dito ang mga motorbanca, passenger ship at mga lifejackets ay isasailalim din sa regular na sanitation bilang precautionary measure kontra COVID-19.

Mahigpit din ang gagawing monitoring ng PCG sa mga foreign vessels na magmumula sa China, Macau, Hong Kong at iba pang bansa na apektado ng COVID-19.

Facebook Comments