Protocol para sa antigen testing, isinasapinal ayon kay Nograles

Isinasapinal ng pamahalaan ang mga protocol para sa antigen testing para salain ang mga taong may COVID-19.

Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles, mapapalakas ang testing efforts ng bansa dahil ang resulta ng antigen test ay maaaring malaman sa loob lamang ng 30 minutes hanggang isang oras.

Aminado si Nograles na ang resulta ng COVID-19 test ay karaniwang inilalabas sa loob ng 24-oras.


Batid ni Nograles ang epekto ng paghihintay sa resulta ng test sa kakayahan ng mga tao na makabalik sa kanilang trabaho.

Ang COVID-19 testing sa bansa ay kasalukuyang ginagawa sa ilalim ng Polymerase Chain Reaction (PCR) tests at rapid antibody test kits.

Noong Hulyo, ang Inter-Agency Task Force (IATF) ay inatasan ang isang technical working group para ihanda ang guidelines sa bagong diagnostic test para sa COVID-19.

Facebook Comments