Manila, Philippines – Hiniling ni House Committee on National Defense and Security Senior Vice Chairman Ruffy Biazon na magkaroon ng protocol kaugnay sa paglalayag ng Pilipinas at Tsina.
Iginiit ng mambabatas na sa kabila ng mga kasalukuyang international agreements, kailangan pa rin ng protocol sa paglalayag upang maiwasang maulit ang insidente sa Reed o Recto Bank.
Kasama sa mga protocols ang pagsagip sa mga distressed na mga mandaragat, reporting at imbestigasyon sa mga maritime incident gayundin ang pagpapanagot sa mga lalabag.
Nanindigan si Biazon na isang seryosong maritime incident ang nangyari sa Recto Bank at kailangang mapanagot ang mga tripulante na sakay ng barko ng China na bumangga sa bangkang pangisda ng 22 Pinoy.
Dapat anyang, malaman kung magkano ang pinsala na idinulog nito at pagbayarin ang mga Chinese na sangkot bukod pa sa parusa na dapat ipataw.