PROUD | BOC muling nahigitan ang target collection nito para sa buwan ng Hulyo

Manila, Philippines – Ipinagmalaki ng Bureau of Customs (BOC) ang anim na buwang sunod-sunod na pag hit nito ng collection target na nagresulta naman sa mas malaking pera na nakolekta ng pamahalaan.

Ayon sa inilabas na datos ng BOC labing lima sa labing pitong pantalan ang na higitan ang kanilang July target collection kung saan pumalo ito sa kabuuang mahigit 52 billion pesos, habang ang kanilang target 50.07 billion pesos lamang.

Base sa datos ng BOC nagkaroon ng paglago ang nasabing kita ng Buraeu of Customs ng 48.7 percent kumpara noong buwan ng July 2018 na kumita lamang ng 34.99 billion pesos.


Paliwanag ni BOC Commissioner Isidro Lapeña na ang patuloy na pagtaas ng kita ng BOC ay dahil sa mas pinalakas na Revenue Collection Performance ng mga pantalan.

Dagdag pa ng opisyal ang Top 5 na mga pantalan ay ang Port of Batangas na nakakolekta ng 13.390 billion pesos pataas hanggang 15.5% o katumbas ng 1.798 billion pesos, Port of Manila nakakolekta ng 7.686 billion pesos hanggang 2% o katumbas 159 million pesos Port of Limay nakakolekta ng P3.908 billion, pataas hangang 28.2% o katumbas ng P861 million; Port of NAIA nakakolekta ng P3.347 billion, pataas hanggang 1.7% o katumbas ng P57 million; Port of Cebu nakakolekta ng P2.465 billion, pataas hanggang 9.2% o katumabs ng P209 million.

Pero dismayado si Lapeña dahil kapos naman ang Manila International Container Port na makuha ang target collection na P15.439 billion dahil nakakolekta lamang ito ng P14.224 billion.

Gayundin ang sinapit ng Subic Port na nakakolekta lang ng P1.601 billion kumpara sa target na P1.802 billion.

Umaasa si Lapeña na magtutuloy- tuloy ang magandang kita ng Adwana at mahihigitan nito ang kanilang 2018 target.

Facebook Comments